Arestado ang dalawang (2) suspek sa pananaksak at pagpatay sa driver/cook ng Our Lady of Remedies Parish Church sa Placer, Masbate, noong November 7, 2021.
Kinilala ang biktima na si Arnel Delapoz y Beroy, residente ng Roxas St. Brgy. Poblacion, Cataingan, Masbate. Duguan at wala ng buhay ng matagpuan ang biktima sa kuwarto nito sa loob mismo ng nasabing simbahan matapos umakyat sa pader at dumaan sa terrace sa dakong 9:00 ng umaga ng November 4, 2021.
Matapos ang masusing imbestigasyon ng Placer MPS, nakilala ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV footages na kung saan nakita itong palakad lakad na may dalang patalim sa nasabing simbahan.
Ang mga suspek ay kinilala na sina Retche Laurente y Samson, 27 anyos, walang asawa, residente ng Area ll Big Banana, Sta Quiteria, Caloocan City, NCR; at si Jordan Nepomuceno y Castillo, 31 anyos, residente ng Brgy. Nursey, Masbate City.
Sa ikinasang manhunt operation sa pinagsamang operatiba ng Masbate CPS, Placer MPS at PIU-Masbate PPO nitong Linggo, November 7, 2021 sa dakong 11:45 ng gabi, natunton ang kinaroroonan ng mga suspek sa Brgy F. Magallanes, Masbate City.
Robbery o pagnanakaw ang tinitignang anggulo sa panloloob at pamamaslang sa biktima.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Placer MPS at nahaharap sa kasong robbery with homicide.
Binigyan ng pagkilala ni PBGen Jonnel C Estomo, RD, PRO5 ang alistong pagkilos ng mga kapulisan na nagresulta sa agarang pagkakahuli ng mga salarin. Aniya, ito ang kanyang nais na laging ihatid ng Kasurog Cops sa mga Bicolano ang serbisyong mabilis, maaasahan at mapagkakatiwalaan.
Source: RPIO 5
#####
Panulat ni: Patrolwoman Shiear “Kye” V Ignacio