Camp Vicente L Pimentel Sr, Tandag City – Isinagawa ng Surigao del Sur Police Provincial Office ang Closing Ceremony ng Taekwondo Class para sa mga PNP Dependents sa Multi-Purpose Hall, Camp Vicente L. Pimentel Sr., Tandag City nito lamang Biyernes, Agosto 19, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Dennis Siruno, Officer-In-Charge ng Surigao del Sur Police Provincial Office, katuwang si Police Staff Sergeant Edgar Pantuhan, Head Instructor ng Philippine National Police Taekwondo Association (PNPTA) Caraga.
Sa pagtatapos ng 24-araw na training, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan sa taekwondo kung saan itinalaga sila bilang mga yellow belter.
Bukod sa layunin na magkaroon ng kaalaman sa self-defense ang mga anak ng pulis, hinubog din sa training ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili, respeto sa kapwa at maging displinado.
“May you attained and developed this skill to show courtesy to others, Integrity, Perseverance, Self-Control, and Indomitable Spirit. This is not just for fighting but it is for peace and order,” pahayag ni PCol Siruno.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU 13