San Miguel, Taguig City — Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng ng District Mobile Force Battalion ng Southern Police District sa kahabaan ng C-6 Road Brgy. San Miguel, Taguig City bandang alas-9:00 ng umaga nito lamang Sabado, ika-20 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jay Calimlim Dimaandal, Battalion Commander ng DMFB-SPD.
Labing limang benepisyaryo ang nabahagian ng food packs sa nasabing lugar.
Samantala, tinalakay naman ng pulisya sa mga residente ang tungkol sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children’s Act, Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at Executive Order No. 70 o ang tungkol sa Ending Local Communist Armed Conflict o ELCAC.
Gayundin, ang Emerging Gender-Based Violence at Crime Prevention ay ginawa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga flyer na naglalaman ng Anti-terrorism Campaign, Dengue Awareness at mga tip sa pag-iwas sa krimen upang matiyak ang kamalayan ng publiko sa mga umiiral na batas at hikayatin silang iulat ang lahat ng uri ng kriminalidad.
Layunin ng PNP na matulungan ang ating mahihirap na kababayan at mabigyan sila ng tips upang di mabiktima sa mga krimeng malimit na mangyari sa Metro Manila.
Source: DMFB SPD
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos