Abra – Arestado ang isang Top 5 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Theft at Trespas to Dwelling sa ikinasang joint operation sa Brgy. Bagalay, Tayum, Abra nitong Agosto 18, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Michael Anthony Quela, Acting Chief of Police ng Tayum Municipal Police Station, ang suspek na isang lalaki, 21 anyos, walang asawa at call center agent.
Ayon kay PLt Quela, naaresto ang suspek bandang 10:35 ng umaga sa naturang lugar ng mga pinagsanib operatiba ng Tayum MPS, Abra 1st Provincial Mobile Force Company, 1504th Regional Mobile Force Battalion, PNP Special Action Force, Provincial Intelligence Unit at Criminal Investigation and Detection Group sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Theft sa ilalim ng Criminal Case No. 1446-B-2020 at Trespas to Dwelling sa ilalim Ng Criminal Case No. 1447-B-2020.
Ang PNP ay patuloy sa pagtugis sa mga may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapangalagaan ang komunidad.
Source: Tayum Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes