Tagbiliran City, Bohol – Masugid na nilahukan ng mga miyembro ng Bohol Maritime Police Station ang pagbubukas ng Brigada Eskwela sa Alternative Learning System School sa Tagbiliran City, Bohol nito lamang ika-17 ng Agosto 2022.
Katuwang sa nasabing gawain ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team, mga guro, barangay officials at mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang aktibidad ay bahagi ng paghahanda ng bawat paaralan sa buong bansa para sa nalalapit na pagbabalik-aral ng mga estudyante at nang mabigyan ang mga ito ng maayos at ligtas na silid-aralan.
Kabilang sa mga naging gawain ng mga lumahok ang paglilinis at pagkukumpuni ng mga kisame, ceiling fans, mga mesa ng mag-aaral, pagpipintura at iba pa.
Kasunod ng tema ng Brigada Eskwela 2022 na ” Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”, hangad ng hanay ng Pambansang Pulisya na maging bahagi para sa tagumpay na pagkakasakatuparan nito.
Tiniyak naman ng Bohol Maritime Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Lucio DC Vergara Jr, Station Chief na sila ay laging handa na tumugon at tumalima sa anumang tawag sa kanilang tungkulin.
###