Bogo City, Cebu – Matagumpay na inilunsad ng mga tauhan ng Bogo City Police Station ang Sugbusog sa istasyon at Community Outreach Activity sa Barangay Taytayan, Bogo City, Cebu nito lamang Martes, ika-16 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Florendo L Fajardo, Chief of Police ng Bogo City Police Station katuwang ang mga tauhan nito.
Ang Sugbusog garden ay isang organic gardening na itinayo ng Bogo City PNP upang makatulong sa mga residente na kanilang nasasakupan na lubos na nangangailangan.
Gumagamit ang Bogo City Police Station ng mga dumi ng hayop, rice hull, fresh mud press, fermented fruit at plant juice bilang pampataba sa mga tanim at gumagawa din sila ng mga organic pesticides at iba pa.
Ipinaalam din ng mga kapulisan sa mga mamamayan na ang organic farming ay nakakatulong sa pagpapagaan ng greenhouse effect, global warming at pagbabago ng klima.
Ang Bogo PNP ay nagkaroon ng ikaapat na ani mula sa kanilang Sugbusog garden kung saan ay nakapag-ani sila ng 6.45 kilo ng iba’t ibang klase ng gulay at ito ay kanilang ginamit sa pagsasagawa ng Community Outreach Activity na kanilang ipinamahagi sa kanilang nasasakupan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan upang mapagtibay ang ugnayan ng PNP at ng komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio