Sultan Kudarat – Nagtayo ang mga tauhan ng Lebak Municipal Police Station ng payaw para sa mga mangingisda sa karagatan ng Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat noong Agosto 15, 2022.
Pinangunahan ni PLtCol Julius Malcontento, Hepe ng Lebak Municipal Police Station, ang paggawa ng isang uri ng fish aggregating device o mas kilala sa tawag na “payaw” ng mga mangingisda.
Ayon kay PLtCol Malcontento, ang payaw ay binubuo ng kawayan, tali, lumang gulong, bato, fish nets at palapa ng niyog na ilulubog sa ilalim ng karagatan upang magsilbing tahanan ng mga isda at iba pang uri ng lamang-dagat.
Dagdag pa ni PLtCol Malcontento, sa pamamagitan ng mga ginawang payaw ng Lebak PNP, matutulungan nito ang mga mangingisda upang madaling makahuli ng iba’t ibang klase ng isda na nagsisilbing pangunahing hanapbuhay ng taga Barangay Tibpuan.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin