Itogon, Benguet – Isinagawa ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 15 ang Bike for a Cause sa Dalupirip, Itogon, Benguet nitongAgosto 14, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Joshua Alejandro, Force Commander, katuwang sinaKristine Esteban Molitas, Battalion Advisory Group Member (Bayanihan Cordillera), Benguet Police Provincial Office, A.S. Bike Shop at Itogon Local Government Unit.
Layunin ng aktibidad na makalikom ng pondoupang matulungan ang mga residente ng Dalupirip, Itogon, Benguet sa pamamagitan ng Balucoc Cashet Tabu Langag Multi-Purpose Cooperative.
Ang nalikom na pondo na nagkakahalaga ng Php117,000 ay pinagkaloob sa nasabingkooperatiba para mapagpatuloy ang mga gawainna tumulong sa mga miyembrongnangangailangan.
Ang RMFB 15 sa Cordillera ay patuloy namakikiisa at magsasagawa ng mga programangmakakatulong sa pag-unlad ng komunidad.
Source: RMFB 15 Cordillera
Panulat ni Patrolman Josua Reyes