Tanauan City, Batangas – Nakiisa ang Regional Community Affairs and Development Division at Regional Mobile Force Battalion 4A sa isinagawang Denouncement of CPP-NPA-NDF program sa covered court ng Barangay Bandero, Tanauan City, Batangas nito lamang Linggo, Agosto 14, 2022.
Ang programa ay pinangasiwaan ni Police Colonel Ledon Monte, Force Commander, RMFB 4A katuwang ang Batangas Police Provincial Office sa pangunguna ni PLtCol Ruel Lito Fronda, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit, PLtCol Owen Banaag, Officer-In-Charge, Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A at Konsehal Mario Feliciano.
Layunin nitong tulungang tuligsain at mabigyan ng bagong pag-asa ang 12 na miyembro ng Gabriel, 10 na miyembro ng Anakpawis at 14 na miyembro ng Kabataan Party sa ilalim ng Sama Taal.
Bukod dito, namigay din ang grupo ng food packs na naglalaman ng bigas, de lata at noodles.
Hinihikayat ng RMFB4A ang mga iba pang mga miyembro ng grupo na makiisa sa mga programa ng gobyerno at tuluyan ng tuligsain ang CPP-NPA-NDF upang maging maayos, at mapayapa ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon