Tuao, Cagayan – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Tuao PNP sa Barangay Mambacag, Tuao, Cagayan nito lamang Linggo, Agosto 14, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Jhun-Jhun Balisi, Officer-In-Charge ng Tuao Police Station kasama ang mga miyembro ng Provincial Capitol of Cagayan, LGU-Tuao, PENRO, 201 CDC 2RCDG 17IB Philippine Army, BFP Tuao, BJMP Tuao, Kabalikat Civicom, Teachers, BPATs, KKDAT Tuao Chapter, Brgy. Officials/Captains at iba pang sangay ng gobyerno.
May kabuuang 1,200 narra seedlings ang naitanim ng mga kalahok alinsunod sa Panagrambak iti Parabur San Roque Patronal Fiesta 2022 na may temang “Agmula Para Ti Masakbayan” at bilang programa din ni Provincial Governor Hon. Manuel N Mamba.
Ang aktibidad ay kaugnay din sa PNP Core Values na “Makakalikasan”, I Love Cagayan River (Seedlings of Love) at sa Clean and Green: CPPO Dream program na pinasimulan ng Cagayan Police Provincial Office.
Layunin nitong itaguyod at pangalagaan ang kalikasan na nagbibigay ng masustansyang prutas at para maiwasan ang sakuna tulad ng pagbaha, landslide at global warming.
Source: Tuao PNP PCR
###
Panulat ni PEMS Alilyn Wilcox