Bocaue, Bulacan – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Bocaue PNP nito lamang Linggo, ika-14 ng Agosto 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ronie Pascua, Acting Chief of Police ng Bocaue Municipal Police Station, ang suspek na si George Orquiola Jr. y Reballos, 34, residente ng 0673 Francisco Street, Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan.
Ayon kay PLtCol Pascua, bandang 3:45 ng madaling araw nang naaresto ang suspek sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan ng pinagsanib pwersa ng Bocaue MPS at Special Operation Unit 3- PNP Drug Enforcement Group.
Narekober mula sa suspek ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php340,000; at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang marked money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, at 11 ng Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Police Regional Office 3 ay patuloy ang operasyon at kampanya laban sa ilegal na droga na sumisira sa kinabukasan ng mga mamamayan.
Source: Bocaue Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera