Alcoy, Cebu – Naisakatuparan ng mga tauhan ng Alcoy PNP ang “Project B.E.S.” sa Purok Rose, Brgy. Guiwang, Alcoy, Cebu nito lamang Agosto 12, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Ramuel O Banogon, Chief of Police ng Alcoy Municipal Police Station kasama ang mga Barangay Officials ng nasabing lugar.
Ang isinagawang aktibidad ay naglalayong hubugin at impluwesyahan ang mga mag-aaral na maging “STRONG” o Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice and God Fearing.
Sinimulan ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman patungkol sa RA 7610 (Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act), RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Anti-Terrorism.
Sinundan ito ng feeding program, pamamahagi ng mga regalo, laruan, hygiene kits, candies at mga school supplies (papel, lapis, pambura at krayola).
Lubos naman ang pasasalamat ng mga bata at mga magulang sa mga kapulisan ng Alcoy Municipal Police Station sa tulong at aral na kanilang ibinahagi.
Ang programang ito ay patuloy na isinasakatuparan ng Pambansang Pulisya upang ipaabot ang tulong at suporta sa mga mamamayan na nangangailangan at hikayatin ang mga kabataan na mag-aral ng mabuti.
###
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul