Iguig, Cagayan – Matagumpay ang isinagawang Tree Planting activity ng Cagayan PNP sa Barangay Garab, Iguig, Cagayan noong ika-12 ng Agosto, 2022.
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga tauhan ng Regional Logistics and Research Development Division na pinangunahan ni Police Colonel Jefferson P Cariaga, Chief, RLRDD kasama ang mga tauhan ng Regional Supply Accountable Office, Regional Engineering Unit 2, Iguig Police Station at mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 2.
Tinatayang nasa 200 na mahogany at umbrella tree ang naitanim ng grupo sa nasabing lugar.
Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” na naglalayong mapangalagaan ang kapaligiran at mapigilan ang Climate Change para sa susunod na henerasyon.
Hinihikayat naman ng PNP ang mga mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.
Source: Iguig Police Station
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag