Talon Dos, Las PiƱas City ā Nagsagawa ng KASIMBAYANAN ang Las PiƱas Police Station na ginanap sa Lagman Court, BF Resort Village, Brgy. Talon Dos, Las PiƱas City bandang 4:00 ng hapon nito lamang Biyernes, Agosto 12, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Station Community Affairs Section (SCAS) sa pangunguna ni Police Colonel Jaime O Santos, Acting Chief of Police.
Nagkaroon ng talakayan patungkol sa KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) tungo sa kaayusan kasama ang iba’t ibang opisyal ng Advocacy Support Group ng Las PiƱas at Pastor Noli Apolonio, Head Pastor ng Congregation of Living Faith ng lungsod.
Ang programang ito ay bilang suporta rin sa NTF-ELCAC program ng gobyerno.
Tiniyak ng Las Pinas PNP na mas lalo pang palalakasin ang ugnayan sa simbahan at pamayanan para sa isang maunlad at ligtas na komunidad.
Source:Ā Pulis Las Pinas
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos