Calapan City, Oriental Mindoro – Arestado ng PNP ang isang Top Most Wanted ng Oriental Mindoro sa kasong 17 Counts ng Qualified Theft noong Agosto 12, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Sidney Hernia, Regional Director ng PRO MIMAROPA ang suspek na si Grace Galit-Gacote na tubong Barangay Conzaron, Bansud, Oriental Mindoro.
Ayon kay PBGen Hernia, naaresto ang suspek sa Barangay Camilmil, Calapan City Oriental Mindoro ng pinagsamang pwersa ng Calapan City Police Station, Bansud MPS, 1st Provincial Mobile Force Company ng Oriental Mindoro Police Provincial Office, Maritime PS at ng Provincial Highway Patrol Team Oriental Mindoro.
Ayon pa kay PBGen Hernia, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 17 Counts ng Qualified Theft na may inirekomendang piyansa na Php72,000.
Pinuri naman ni PBGen Hernia ang operating units para sa isa pang accomplishment sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted person.
“Ang tagumpay ng operasyong ito ay sumasalamin lamang sa ating pangako sa pagtugis sa mga personalidad na nais ng batas. Magiging mas agresibo tayo sa ating peace and order campaign sa rehiyon”, saad ni PBGen Hernia.
Source: RPIO MIMAROPA
###
Panulat ni PCpl Gerald Manlincon