Davao del Sur – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP at PDEA, noong Agosto 12, 2022.
Kinilala ni PLtCol Hamlet Lerios, Acting Chief of Police, Digos CPS, ang suspek na si alyas “Boy”, 27, residente ng Doña Aurora ext., Brgy. Zone 3 Digos City, Davao del Sur na tinaguriang Top 8 High Value Individual sa regional level.
Ayon kay PLtCol Lerios, naaresto ang suspek sa Cabrera residence Purok Elephant Brgy. Zone 3, Digos City, Davao del Sur ng pinagsamang tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), Intelligence Unit ng Digos City Police Station, Regional Police Drug Enforcement Unit/Regional Special Operation Group, PDEA 11, at 1104th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 11.
Dagdag pa ni PLtCol Lerios, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 0.71 gramo na may street market value na Php10,650 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ang nasabing operasyon dahil sa matagumpay na pagkakadakip sa suspek na lalong maglalapit sa kanilang layunin na gawing drug-free ang rehiyong onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara