Northern Samar – Matagumpay na nakapagtapos ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Reintegration Program ang 29 na dating rebelde sa Northern Samar Provincial Social Welfare and Development Office, Darangpan Center, Brgy. Dalakit, Catarman, Northern Samar noong ika-11 ng Agosto 2022.
Ang 29 na dating mga rebelde ay tumanggap ng kani-kanilang diploma at kabilang dito ang anim na dating mga miyembro ng CTG na sumuko sa 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Seth Mark D Alub, Force Commander.
Dumalo rin sa programa ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 8, 803rd Maneuver Company sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Wilson S Hilvano, Company Commander.
Ang E-CLIP Reintegration Programay naglalaman ng iba’t ibang uri ng pagsasanay at programa tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training, Alternative Learning System (ALS) program, skill at livelihood trainings na makakatulong sa mga rebel returnees sa kanilang pagtalikod sa kanilang armadong buhay at piniling mamuhay sa kapayapaan at makabuluhang buhay kasama ang kanilang mga pamilya.
Ang E-CLIP ay isang programa ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mga rebeldeng miyembro ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na maibalik ang kanilang katapatan sa gobyerno ng Pilipinas at sa pamamagitan ng programang ito ay maaari silang maisama muli sa komunidad, makasama ang kanilang mga pamilya, at magsimulang muli sa kanilang normal na buhay.
Ang seremonyang ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa paghahangad ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran na pinalalakas ng lokal na pagpapatupad ng EO 70 o ang Whole-of-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez