Guinoyuran, Valencia City – Tinatayang Php1,920,000 halaga ng marijuana plants ang binunot ng 1003rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10 at Valencia PNP sa Sitio, Guinoyuran, Valencia City, Bukidnon nitong Agosto 11, 2022.
Ayon kay Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, matagumpay ang isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng 1003rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10 at City Drug Enforcement Unit ng Valencia City Police Station.
Ayon pa kay PCol Lagare, bandang 9:38 ng umaga nang binunot ang marijuana plants na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Ian Pacquit, residente ng naturang lugar na tumakas ng namataan ang grupo ng awtoridad.
Nakumpiska ang 16 na pirasong matured marijuana plants, pitong pirasong marijuana seedlings na nakalagay sa plastic pot, isang plastic cellophane na may lamang sunog na marijuana seedlings na may kabuuang timbang na 16 kilo na tinatayang may Street Value na Php1,920,000.
Nagpapakita lamang ito na ang Bukidnon PNP ay patuloy sa paglaban at pagpigil sa ilegal na droga para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan.
Source: Valencia City Police Station
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10