Legaspi City – Nagsagawa ang kapulisan ng Police Regional Office 5 ng Earthquake Drill sa loob mismo ng Camp BGen Simeon A. Ola, Legaspi City bandang 9:00 ng umaga nito lamang araw ng Huwebes, Agosto 11, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Community Affairs and Development Division 5 sa pamumuno ni Police Colonel Liane M. Van de Velde, Chief, RCADD 5, kasama ang kapulisan ng PRO5 sa pakikipag-ugnayan at koordinasyon sa Office of Civil Defense Bikol na pinangunahan ni G. Julius Arroyo.
Ipinakita sa nasabing aktibidad ang mga dapat gawin kapag magkaroon ng lindol tulad ng “Duck, Cover and Hold Drill” sa mga kapulisan ng PRO5.
Nagsagawa din ng scenario sa pagreresponde ng Emergency Response Team ng Regional Mobile Force Battalion 5 sa pangunguna ni Police Lieutenant David M. Esquiros, Team Leader.
Ang ganitong drill ay makakatulong kung paano maging alerto at tumugon kapag ang natural na kalamidad tulad ng lindol ay mangyari.
Layunin ng aktibidad na palawigin ang kaalaman ng Pambansang Pulisya kung paano makakaligtas at makakapagsaklolo sa sakuna tulad ng lindol.
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia