Taytay, Rizal – Tinatayang Php299,200 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Huwebes, Agosto 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina Joselito King y Maraño alyas “Paul”, 30, walang asawa, walang trabaho at Nelson Porlaza y Escarilla alyas Nuno, 29, may live-in partner, walang trabaho, pawang mga residente ng Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 1:00 ng madaling araw naaresto ang dalawang suspek sa Dama de Noche Extension Buena ng nabanggit na barangay ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa pakipag-ugnay sa Philippine Drug Enforcement Agency 4A.
Narekober mula sa dalawang suspek ang siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may 44 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php299,200, isang pink na coin purse, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, tatlong pirasong Php100 bill at isang Yamaha Mio Motorcycle 125.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang PNP sa pagpapaigting sa kampanya laban sa ilegal na droga at hinihikayat ang mga mamamayan na makiisa sa tuluyang pagsugpo ng talamak na pagbebenta at paggamit ng droga sa komunidad na nakasira sa buhay ng mga mamamayan lalo na ang kinabukasan ng mga kabataan.
Source: Rizal Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin