Quezon City — Nagsagawa ng isang araw na Seminar Workshop sa Mobile Journalism at Social Media Engagement ang Regional Police Community Affairs and Development Unit ng NCR sa Audio Visual Room, PNP Museum, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang Miyerkules, Agosto 10, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Marvin Joe C Saro, Chief of Staff ng PCADG sa inisyatibo ng mga tauhan ng RPCADU-NCR sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Nieves A Dela Peña, Officer-In-Charge at Police Lieutenant Colonel Katleen P Lumbag, Chief, Community Affairs Development Section ng RPCADU-NCR.
Ito ay dinaluhan ng 40 na kapulisan mula PCADG at sa iba’t ibang distrito ng NCRPO.
Dinaluhan din ito ni Ms.Celerina Amores at Mr. Paul De Guzman ng Ayala Foundation at ni NUP Perlita Herminado mula sa DPCR na miyembro ng Rotary Club of Camp Panopio.
Itinuro sa mga nakilahok ang mga dapat at di dapat gawin pagdating sa pagpopost sa social media, mga tamang pamamaraan sa pagkuha ng litrato at maging sa Mobile Journalism.
Samantala, namahagi naman ng certificates para sa mga dumalo.
Layunin ng programang ito na madagdagan ang kaalaman ng ating kapulisan pagdating sa Social Media na isang mabilis at high tech na pamamaraan upang ipakita ang magagandang gawain ng PNP.
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos