Camp Bagong Diwa, Taguig City — Isinagawa ang makabuluhang pagtatapos ng isang buwan na KKDAT Taekwondo Summer Class ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO sa Tagapaglunsad Hall ng RMFB nito lamang Huwebes, Agosto 11, 2022.
Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni PSSg Marvin T Pababero na tumayo bilang Taekwondo Instructor na pinamunuan naman ni Force Commander, Police Colonel Lambert A Suerte kasama ang mga Battalion Officers.
Ipinakita ng 25 na kabataan sa kanilang mga magulang ang kanilang mga natutunan sa kanilang pagtatapos.
Alinsunod din ito sa isinusulong ng pulisya para sa mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT na ilayo sila sa ilegal na droga at recruitment ng komunistang teroristang organisasyon.
Ayon pa sa mensahe ni PCol Suerte, “Ang RMFB po ay nagpapasalamat sa ating mga magulang sa pakikiisa sa proyektong ito upang mas paigtingin pa ang disiplina para sa ating mga kabataan, at magamit ang kanilang oras upang mas pahalagahan ang kanilang kalusugan.”
Ani pa nya, “At para sa ating kabataan, sikapin na ang natutunan ay panatilihin, pahalagahan, at ang natutunan na disiplina ay gamitin upang i-respeto ang kapwa at mga magulang.”
Source: RMFB NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos