Daet, Camarines Norte – Naaresto ang tatlong drug suspek kabilang ang isang miyembro ng noturyos na Guttierez Drug Group habang nabuwag naman ang isang drug den sa inilunsad na buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Magallanes Ilaod Street, Purok 8, Barangay 1, Daet, Camarines Norte nito lamang Miyerkules, Agosto 10, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arnel De Jesus, Chief of Police ng Daet Municipal Police Station, ang mga suspek na sina Richelda Caballero y Calzada alyas “Bebe”, 32, isang drug den maintainer, Resty Quijan y Tagadora alyas “Kwatog”, 46, isang empleyado ng drug den at si Dennis Magana y Panong alyas “Maot”, 41, miyembro ng Guttierez Drug Group, (visitor of Drug den) at parehong mga residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PLtCol De Jesus, matagumpay na nakabili ang poseur buyer sa suspek na si alyas Bebe at kaagad na inaresto ang dalawa pang kasama nito sa bahay na nagsilbing drug den.
Narekober mula sa mga suspek ang siyam na piraso ng heat-sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 13 na gramo na nagkakahalaga ng Php88,400, drug paraphernalia, buy-bust money, isang yunit ng cellular phone at tatlong piraso ng pekeng Php500 bilang boodle money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na maglulunsad ng mga operasyon ang PNP upang matigil na ang pagkalat ng ilegal na droga na sumisira at lumalason sa buhay ng mga taong nabibiktima nito.
Source: KASUROG Bicol
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia