Dimiao Bohol – Nagsagawa ng PNP Oplan BES (Bisita Eskwela) ang mga tauhan ng Dimiao Police Station sa Brgy. Guindaguitan Dimiao, Bohol nito lamang ika-10 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jose Oliver M Josol, Chief of Police ng Dimiao Police Station katuwang ang mga tauhan nito.
Ang Dimiao Police Station ay naghandog ng mga school supplies, tsinelas, libreng pagkain at nagbigay ng kaalaman patungkol sa mga usaping RA 10627 (Anti-Bullying Act of 2013), RA 7610 (Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997).
Ang isinagawang aktibidad ay naglalayong hubugin at impluwesyahan ang mga mag-aaral na maging “STRONG” o (Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice and God Fearing).
Lubos naman ang pasasalamat ng mga bata at mga magulang sa mga kapulisan sa pagbisita at pagbibigay ng iba’t ibang uri ng kagamitan at serbisyo sa mag-aaral ng Brgy. Guindaguitan na nalalayong matulungan, magabayan at maprotektahan ang mga kabataan.
###
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul