Biliran – Nakilahok ang mga tauhan ng Biliran PNP sa tree planting activity sa Sitio Barantayan, Brgy. Villa Consuelo, Naval, Biliran noong Agosto 9, 2022.
Maliban sa pakikiisa ay nagbigay din ng seguridad ang mga tauhan ng Biliran Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Helario P Rambano III sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Frederick G Señal, Company Commander kasama ang Biliran Police Provincial Office.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Office of the Local Youth Development Council at alinsunod sa Pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2022 na may temang “Intergenerational Solidarity: Creating a World for All Ages”.
May kabuuang 350 seedlings ng mahogany trees ang itinanim sa nasabing aktibidad.
Lumahok din sa aktibidad ang mga tauhan ng Naval MPS, BJMP, BFP, DENR PENRO-Biliran, NAVRU, BiPSU-Biliran Campus Forestry Student, Alpha Phi Omega, Sangguniang Kabataan, Naval Youth Club at Barantayan Uwakon Farmers Association (BUFA).
Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang malinis na kapaligiran, at upang mapabuti ang kalidad ng mga likas na yaman at mas mapalawak ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez