Pistol, Apayao – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Public Safety Basic Recruit Course Class 2015-02 (PANABAK-MATAGILA) bilang bahagi ng ika-7 anibersaryo sa pagseserbisyo sa Pambansang Pulisya na nakatalaga sa Apayao at Kalinga PNP na ginanap sa Upper Maton Elementary School, Brgy Upper Maton, Pudtol, Apayao nito lamang Agosto 10, 2022.
Pinangunahan ng Class PANABAK-MATAGILA na nakatalaga sa Abra Provincial Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Reynald Ogay Jr, Provincial Director at Kalinga Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit.
Namahagi ng mga gamit pang-eskwela sa mga estudyante ng Grade 1 at Grade 2 sa nasabing paaralan.
Dagdag pa dito, ang pagbibigay ng financial assistance upang makabili ng mga gamit para sa pagpapaayos at pagpapaganda ng paaralan sa papalapit na face to face class.
Labis naman ang pasasalamat ng mga magulang, mga guro at mga kabataan sa mga biyayang natanggap.
Patunay lamang ito na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay biyaya at pagtulong upang masuportahan at maprotektahan ang kinabukasan ng mga kabataan.
Source: Apayao Police Provincial Office
###