Pili, Camarines Sur – Inilunsad ng Naga City Mobile Force Company ang TESDA Mansory NC2 Training sa mga Labor Sector at sa Out-of-School Youth na isinagawa sa TESDA Regional Training Center 5, Pili, Camarines Sur nitong Lunes Agosto 8, 2022.
Ang naturang programa na may temang “Project KKK” (Kabuhayan Kaiba nin Kapulisan) ay pormal na sinimulan noong Hulyo 26, 2022 na kung saan nagkaroon ng Orientation sa mga nabanggit na benipisyaryo bago magsimula ang kabuuang 23 araw ng pagsasanay.
Nasa 20 na indibidwal mula sa Labor Sector at Out-of-School Youth ng Sitio Balatungan, Barangay Concepcion Grande, Naga City ang mga naging benipisyaryo ng nasabing programa.
Matagumpay na naisakatuparan ang programa sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rommel B Labarro, Force Commander, katuwang ang TESDA Regional at Provincial Office, 91st CMO Philippine Army, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, pribadong sektor at mga indibidwal na aktibong nagpaabot ng suporta.
Layunin ng programang ito na makapagbigay dagdag kaalaman, kasanayan at oportunidad na pangkabuhayan para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
###