Friday, October 4, 2024

Top 4 Most Wanted Person sa Cagayan Valley Region, arestado sa kasong Murder

Lasam, Cagayan – Arestado ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa Cagayan Valley Region sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng kapulisan noong ika-8 ng Agosto 2022.

Kinilala ni Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ang suspek na si Melbert Macabangon Agcaoili, 30, walang asawa, magsasaka at residente ng Barangay Centro 3, Lasam, Cagayan.

Ayon kay PCol Sabaldica, nahuli ang suspek sa nabanggit na barangay sa pinagsanib na puwersa ng operatiba ng Gattaran Police Station at 2nd Mobile Force Platoons ng 1st at 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.

Ayon pa kay PCol Sabaldica, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.

Dagdag pa ni PCol Sabaldica, isa si Agcaoili sa tatlong suspek sa pagpatay kay Dante Manuel, 47 at magsasaka na inilibing sa bulubunduking bahagi ng Barangay Basao, Gattaran, Cagayan noong taong 2021.

Samantala, ang kasama ng suspek na sina Fernando Victorio at Patrick Victorio sa pagpatay kay Dante Manuel ay nauna ng nasakote.

Siniguro naman ng buong hanay ng Valley Cops na patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad para sa kaligtasan at kaayusan ng bawat mamamayan.

Source: PRO2 RPIO

###

Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,270SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles