North Cotabato – Nakiisa sa relief operation ang mga kapulisan ng Kabacan Municipal Police Station sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato noong Martes, ika-9 ng Agosto 2022.
Nakiisa sa aktibidad ng Kabacan Municipal Police Station sa pamumuno ni PLtCol John Miridel Racho Calinga, Officer-In-Charge.
Katuwang din sa nasabing relief operation ang Cotabato LGU na pinangunahan ni Governor Emmylou Taliño Mendoza; Hon. Samantha Taliño Santos, 3rd District Representative; Evangeline Guzman, Kabacan Municipal Mayor, PSWDO, PDRRMO at Philippine Army.
Tinatayang nasa mahigit 1,000 na pamilya ang nabigyan ng relief goods at food packs.
Ang bayan ng Kabacan, Cotabato ay isa sa naapektuhan ng pagbaha dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa mga nagdaang araw.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya at iba pang sangay ng pamahalaan ay palaging maaasahan at nakahandang maghatid ng serbisyo para sa mabilis at maayos na pagtugon sa mga pangangailangan
Source: Kabacan Mps
###
Panulat ni Patrolwoman Vanessa Gomez