Sablayan, Occidental Mindoro – Isang bag na naglalaman ng rifle grenade na hinihinalang pagmamay-ari ng NPA ang narekober ng mga kapulisan sa Sitio Turawan, Barangay San Francisco, Sablayan, Occidental Mindoro nito lamang Agosto 7, 2022.
Ayon kay Police Colonel Jun Dexter Danao, Officer-In-Charge ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng 2nd Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company kasama ang Sablayan Municipal Police Station base sa impormasyong natanggap mula sa isang dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan patungkol sa pinaglalagyan ng gamit ng dati niyang kasamahan.
Dagdag pa ni PCol Danao, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakarekober ng isang bag na naglalaman ng isang rifle grenade, mga dokumento na pang black propaganda laban sa gobyerno, groceries at iba pang kagamitan.
Ito ay resulta ng patuloy na isinasagawang debriefing at information gathering mula sa dating rebelde at bunsod na rin ng direktiba ni Police Colonel Jun Dexter Danao na lalo pang pag-ibayuhin ang kampanya laban sa insurhensiya at terorismo sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Source: Occidental Mindoro Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago