Babatngon, Leyte – Nagsagawa ng community outreach program ang mga tauhan ng Regional Public Information Office 8 sa Sitio Cama-oy, Brgy. Naga-asan Babatngon, Leyte nito lamang Linggo, Agosto 7, 2022.
Ang aktibidad ay isinagawa sa tulong at suporta ni PBGen Bernard Banac, Regional Director ng PRO8 at pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ma Bella Rentuaya ng RPIO8 at ni Mr. Wilmark Amazona, Press Corps President katuwang ang Department of Social Welfare and Development 8.
Umabot sa 40 na mga bata ang nabigyan ng bagong school supplies, bag, sapatos, tsinelas, damit, pagkain, at patuloy pa rin ang pagbibigay ng DSWD-8 ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation Program sa ilang household benificiaries sa nasabing lugar.
Tiniyak naman ng Pambansang Pulisya na patuloy na mamamahagi ng tulong at suporta at ipadama ang tunay na malasakit at pagmamahal sa mamamayan upang mas lalo pang mapatibay ang ugnayan ng pulisya at komunidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez