Talibon, Bohol – Nakilahok ang mga tauhan ng Talibon Municipal Police Station sa isinagawang Brigada Eskwela 2022 sa Talibon II Central Elementary School, Brgy. San Jose, Talibon, Bohol nito lamang ika-5 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Talibon Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Nicolas Años Aparilla, Officer-In-Charge, katuwang ang mga guro ng Talibon II Central Elementary School at mga magulang ng mga mag-aaral.
Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa Kick-off ng Brigada Eskwela 2022 na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik Aral”.
Ang naging hakbangin ng Talibon MPS ay naglalayong makapaglingkod sa mamamayan at mapanatili ang kalinisan ng mga paaralan sa kanilang lugar na nasasakupan upang mapaghandaan ang nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip L Galido