Tabuk City, Kalinga – Tinatayang Php2,400,000 halaga ng fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog ng PRO COR sa Sitio Binongsay, Malin-awa, Tabuk City, Kalinga nitong Agosto 4-5, 2022.
Ayon kay PCol Peter M Tagtag Jr., Acting Provincial Director, Kalinga PPO, matagumpay ang isinagawang marijuana eradication at Oplan Lindol sa pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit-Kalinga PPO, Provincial Intelligence Unit-Kalinga PPO, Tabuk CPS, Tanudan MPS, 1st at 2nd Kalinga PMFC, 501st at 1503rd MC, RMFB15, RID PROCOR at Kalinga PDEA.
Ayon pa kay PCol Pasiwen, ang plantasyon ay may kabuuang land area na 1,200 square meters at may nakatanim na humigit kumulang 12,000 marijuana plants na may Standard Drug Price na Php2,400,000.
Walang naaresto na marijuana cultivators sa nasabing operasyon kaya binunot at sinunog kaagad ng mga kapulisan ang mga ilegal na halaman.
Nagpapakita lamang ito na ang PRO COR ay patuloy sa pagpigil sa ilegal na droga para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong probinsya.
Source: Kalinga PPO
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes