Muling pinasaya ng mga kapulisan ang ating mga katutubong Dumagat sa pamamagitan ng ginanap na Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery sa Sitio Iyak, Brgy. San Mateo at Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan noong ika-5 ng Nobyembre.
Pinangunahan ng mga kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 3 ang nasabing aktibidad sa pangunguna nina PCol Fitz A Macariola, Force Commander at Pltcol. Cirilo B Acosta Jr. kasama ang mga tauhan ng 301st Maneuver Company sa pangunguna naman ng kanilang Company Commander na si PMaj Kar Marlo S Sanchez at mga miyembro ng 303rd Maneuver Company sa pamumuno rin ni PMaj Mark Louie M Sigua.
Nakatanggap ang mga katutubo ng libreng gupit, libreng Blood Pressure Monitoring, mga hygiene kits, mga grocery items, bigas, buhay na manok, tsinelas, at mga laruan para sa mga bata.
Naghandog din ang mga kapulisan ng solar lights sa Sitio Iyak sapagkat ang kanilang lugar ay di pa naaabutan ng kuryente.
Matagumpay na naisagawa ang programa sa tulong at suporta ng iba’t ibang indibidwal at ahensya na nais din magpaabot ng tulong sa ating mga kababayan. Kasama na dito sina Mr. Franz Liam Arabia, Ambassador ng National Youth Commission on NTF-ELCAC Affairs; Hon. Constanlito De San Jose, Chieftain; mga miyembro ng KKDAT Gapan Chapter; mga tauhan ng Special Action Force; 70ID Philippine Army; Norzagaray MPS; Jelexie Bakeshop; Bounty Fresh; TESDA, at Manulife.
#####
Panulat ni: Patrolwoma Maria Elena S Delos Santos