Cebu City – Arestado ng pulisya ang isang Foreign National na kabilang sa Top 2 Most Wanted Person (Provincial Level) sa Brgy. Labangon, Cebu City nito lamang ika-3 ng Agosto 2022.
Kinilala ni Police Major Janelito Jocson Marquez, Station Commander ng Police Station 10 ng Cebu City Police Office, ang suspek na si Patrick Bernard, French National, kasalukuyang residente ng Door 3 Titas Apartment Salvador Ext., Brgy. Labangon, Cebu City.
Ayon kay PMaj Marquez, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9208 na naamyendahan ng RA 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 na walang rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na operasyon ng Police Station 10, CCPO sa pangangasiwa ni PMaj Marquez ay nagpapatunay na ang pulisya ay hindi titigil upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran sa pamayanan.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio