Santol, La Union – Tinatayang Php2,640,000 halaga ng fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog ng PRO 1 nito lamang Agosto 4, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Fernando G Acain Jr., Force Commander ng La Union Provincial Mobile Force Company, naging matagumpay ang ipinatupad na marijuana eradication sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1, La Union Police Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division1, Provincial Intelligence Unit, Criminal Investigation and Detection Group La Union Provincial Field Unit, Regional Mobile Force Battalion 1, Kibungan MPS- Benguet PPO at Santol Police Station.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng 12,000 na piraso ng fully grown plants ng marijuana na nakatanim sa lupain at 2,000 gramo naman ng dried marijuana leaves na may tinatayang halaga na Php2,640,000 sa disputed boundaries ng Sitio Ampana, Tacadang, Kibungan, Benguet at Sitio Banti, Sapdaan, Santol, La union.
Siniguro naman ni PLtCol Acain Jr. na mas lalong paiigtingin ng Pambansang Pulisya ang pagpapatupad ng marijuana eradication upang higit na mabantayan ang lugar laban sa mga nagtatanim ng mga ilegal na halaman at kanilang bunutin at sunugin upang walang buhay na mapapariwara sa halaman na ito.
Source: 1st LUPMFC/Santol PS
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan/RPCADU1