Thursday, November 28, 2024

Php340K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation ng Masbate PNP

Claveria, Masbate – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Masbate PNP nito lamang Huwebes, Agosto 4, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Rolly Albaña, Provincial Director ng Masbate Police Provincial Office, ang suspek na si Gregorio Necesario Jr. y Anonuevo, 48, residente sa Purok 1, Barangay Pasig, Claveria, Masbate.

Ayon kay PCol Albaña, naaresto ang suspek bandang 6:45 ng umaga sa nabanggit na lugar ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Claveria Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit-Masbate, Provincial Drug Enforcement Unit at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Masbate Provincial Office.

Nahuli ang suspek matapos magbenta ng sampung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php68,000 sa isang police poseur-buyer.

Sa isinagawang body search ay nakumpiska sa suspek ang apat na piraso ng transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang ng humigit kumulang 40 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php272,000.

Ayon pa kay PCol Albaña, nasa kabuuang 50 na gramo ng shabu ang nakumpiska mula sa suspek na nagkakahalaga ng Php340,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang ugnayan ng PRO5 at PDEA RO5 upang matigil at mahuli ang mga tulak ng ipinagbabawal na droga sa probinsya ng Masbate at sa buong rehiyong Bikol.

Source: PIO PRO5

###

Panulat ni Patrolman Rodel Grecia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles