El Salvador, Misamis Occidental – Timbog ang Top 2 Most Wanted Person (City Level) ng El Salvador PNP sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act nito lamang Agosto 2, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Raymond Raypon Lumapay, ang suspek na si Tejie Ebal Rbajay, 19, residente ng Zone 13, Brgy. Molugan, El Salvador City, Misamis Oriental.
Ayon kay PLtCol Lumapay, nadakip ang suspek bandang 1:00 ng tanghali sa Zone 2 Brgy. Poblacion, El Salvador City, Misamis Oriental ng mga operatiba ng El Salvador City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na may inirekomendang piyansa na Php100,000.
Ang pagkakaaresto ng suspek ay isa na namang patunay na ang hanay ng PNP ay patuloy sa kanilang hakbang upang hulihin ang bawat personalidad na may pananagutan sa batas at para maging ligtas at tahimik ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan