Buhingtubig, Pinamungajan – Matagumpay na inilunsad ang Kick-off ng Brigada Eskwela 2022 na dinaluhan ng kapulisan ng Pinamungajan na ginanap sa Buhingtubig Elementary School, Brgy. Buhingtubig, Pinamungajan nito lamang Agosto 2, 2022.
Ang aktibidad ay aktibong sinuportahan ng mga miyembro ng Pinamungajan Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Major Vincent A Zozobrado, Chief of Police, katuwang si Mrs. Maria Pilar M. Moreno, ang mga Barangay Health Workers (BHW), guro, mga mag-aaral at kanilang mga magulang.
Ayon kay PMaj Zozobrado, ang aktibidad ay isinakatuparan bilang pakikiisa sa Kick-off ng Brigada Eskwela 2022 na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-aral” na naglalayon na mabigyan ng ligtas at malinis na paaralan ang mga mag-aaral lalo na’t nalalapit na ang pagbabalik ng face-to-face classes.
Tiyak na magdudulot ng kaginhawaan sa mga estudyante na magbabalik sa paaralan ang ginawang paglilinis at pagkukumpuni ng mga kagamitan na muling mapapakinabangan ng mga ito.
Sinisiguro naman ng Pinamungajan PNP na bukod sa pagpapaigting ng kanilang seguridad ay hindi rin nila nakakaligtaan pagtuunan ng pansin ang mga ganitong gawain na magbibigay ng kaginhawaan sa kanilang mga nasasakupan partikular na sa mga bata na gagamit ng silid-aralan.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista