Friday, November 29, 2024

PGen Rodolfo Azurin pormal nang kinilalang bagong CPNP

Camp Crame, Quezon City – Pormal nang inupo bilang bagong hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas si Police General Rodolfo S. Azurin, Jr. sa isinagawang Assumption of Command Ceremony sa PNP National Headquarters nito lamang Miyerkules, ika-3 araw ng Agosto 2022.

Ito ay matapos inanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes na si PGen Azurin, Jr. ang napiling bagong hepe ng ahensya.

Sinalubong ang bagong Chief PNP ng Arrival Honors at binigyan ito ng tradisyunal na Trooping the Line kasama si Police Lieutenant General Chiquito M. Malayo na siyang bagong talagang PNP Chief Directorial Staff.

Pinasalamatan niya ang bawat isang miyembro ng PNP at hinimok na suportahan ang kanyang pamumumuno upang makamit ang mithiing maghatid ng pagbabago sa pamayanan at mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng komunidad.

Pinaalalahanan din niya ang bawat isang tagapagpatupad ng batas sa kanilang mga tungkulin na kanyang pinag-isa sa apat na letrang P.P.S.O. na may kahulugang: Prevent Crime (Operations), Pre-empt Crime (Intelligence), Solve Crime (Investigation), at Organize and mobilize the community (Police Community Relations).

Dagdag pa niya na tututukan ng kanyang pamunuan ang isyu sa terorismo, ilegal na droga at internal cleansing sa hanay ng kapulisan.

Samantala, tinalakay din niya ang proyektong kanyang ninanais ipatupad sa buong ahensya na dati niyang ipinatulad sa Police Regional Office 1 nang siya ang Regional Director – ang “M+K+K=K,” na nangangahulugang ang pagkakaroon ng Malasakit sa kapwa, Kaayusan sa komunidad at Kapayapaan sa bansa ay magreresulta ng Kaunlaran ng bansa na parehong minimithi ng Pangulo.

Ninanais din ni CPNP na patuloy na isagawa ang programang “KASIMBAYANAN” na mula sa pinagsamang mga salitang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan, dahil sa paniniwalang ang responsibilidad na magpanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad ay hindi lamang trabaho ng kapulisan ngunit saklaw din nito ang simbahan at pamayanan – isang siklong patuloy na sumasaklaw sa tatlong bahagi.

Wika pa ng bagong CPNP sa bawat miyembro ng hanay ng pulisya, “Let us steer the country towards greatness by performing our respective tasks as law enforcers; let’s do our best everyday as if it’s our last day; and continue to challenge the status quo as we serve and protect the members of our community to the best of our ability.”

“Mr. President, sa aking pamumuno sa buong hanay ng kapulisan katuwang ninyo po kami sa hangarin ng isang maayos, mapayapa at may malasakit sa bawat Pilipino para sa isang maunlad na Pilipinas,” ani PGen Azurin, Jr. bilang pagsuporta sa Pangulo.

###

Panulat ni Patrolman Noel S. Lopez

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles