Negros Oriental – Naging makabuluhan ang Serbisyo Caravan na inilunsad sa Brgy. Candabong Manjuyod, Negros Oriental nito lamang ika-2 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay isinagawa ng mga tauhan ng Tayasan Municipal Police Station sa pangunguna ni PSSg Anna Rose I Infante, PCAD PNCO, sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Alfred Vicente A Silvosa, OIC, katuwang ang stakeholder na si Ms. Evimei Acas-Reyes, maging ang mga miyembro ng KKDAT Tayasan Chapter.
Taos pusong pasasalamat naman ang naging sukli ng mga bata maging ang kanilang mga magulang mula sa serbisyong inihandog ng Tayasan PNP.
Ang programa na isinakatuparan ay nagnanais na ipaabot sa mamamayan ang iba’t ibang uri ng serbisyo ng gobyerno na nararapat lamang para sa kanila.
Tinitiyak ng Tayasan PNP katuwang ang iba’t ibang personalidad at grupo sa naturang lugar na ito ay simula pa lamang ng kanilang walang humpay na serbisyong handang ialay sa kanilang nasasakupan ng walang pinipiling oras, lugar o araw.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista