Piat, Cagayan – Naghandog ng food packs ang Piat PNP sa Barangay Macapil, Piat, Cagayan nito lamang Agosto 2, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PEMS Aida B Fabellar sa pamumuno ni Major Val Simangan, Acting Chief of Police ng Piat Police Station, Cagayan Police Provincial Office kasama si Pastor Darwin Caalim, MBK-LC at Barangay-Based Group.
Mahigit kumulang 50 food packs na naglalaman ng bigas, de lata at noodles ang natanggap ng mga residente sa nabanggit na barangay.
Ang aktibidad na ito ay naaayon sa PNP Outreach Program bilang suporta sa E.O. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ang PNP ay laging handang magbigay ng pangunahing serbisyo sa mga kababayang lubos na nagangailangan nitong panahon ng pandemya.
Source: Piat PS
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin