San Luis, Agusan Del Sur — Boluntaryong sumuko sa pulisya ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Binicalan, San Luis, Agusan Del Sur noong Hulyo 26, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Victor G Rito, Officer-In-Charge ng ISOD, Intelligence Group, ang sumuko na si Dimlester Manlumapi Dumanglay a.k.a. Ka Bandam/JM/Digma, 19, residente ng Sitio Mintake-e, Barangay Lydia, La Paz, Agusan Del Sur.
Ayon kay PLtCol Rito, sumuko si Ka Bandam sa mga pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Unit 13, RIU 10, 1304th Regional Mobile Force Battalion 13, Manila Fusion Center, Directorate for Intelligence, San Luis Municipal Police Station, Station Intelligence Section ng Marikina PS and Station Intelligence Section ng San Juan City Police Station.
Ayon pa kay PLtCol Rito, si Ka Bandam ay isang dating miyembro ng Guerrilla Front 34, SMRC, 3rd Quarter 2017 PSRTG sa Region 13 sa ilalim ng Platoon 8, Guerrilla Front Committee 19 ng North Eastern Mindanao Regional Committee.
Isinuko din ni Ka Bandam ang isang Rifle M16, Elisco, na may serial number 243933 at isang magazine na may walong bala.
Sasailalim sa debriefing at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) si Ka Bandam bilang parte ng kanyang pagbabalik-loob sa gobyerno.
Ang PNP ay patuloy na paigtingin ang kampanya laban sa insurhensya na patuloy na pinapairal ang baluktot na ideolohiya na pabagsakin ang gobyerno at sumisira sa mga buhay ng mga inosenteng kabataan at kapayapaan ng komunidad.
Source: PNP IG, ISOD
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio