Trinidad, Bohol – Matagumpay at naging makabuluhan ang pagsasagawa ng Feeding Program sa Brgy. San Vicente, Trinidad, Bohol, nito lamang ika-31 ng Hulyo 2022.
Ang Feeding Program ay inilunsad ng mga tauhan ng Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Christopher Ras Fernandez, Chief of Police, katuwang ang Therence Beth Martin Giving Hope Inc., kasama rin ang Charlie Company ng Philippine Army, miyembro ng Anti-Com Bohol, Barangay Officials sa pangunguna ni Rosendo Bincales, Brgy. Captain.
Naisakatuparan ang aktibidad bilang pagdiriwang ng 34th Anniversary ng Trinidad-Talibon Integrated Farmers Association (TTIFA) sa pangunguna ni Mrs. Rowena Eronico, TTIFA President.
Nag-uumapaw ang kasiyahan ng mga batang dumalo sa programa sapagkat bukod sa libreng pagkain na kanilang natanggap ay nagkaroon din ng parlor games na lubos na ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng mga ito.
Walang ibang layunin ang Trinidad Municipal Police Station katuwang ang iba’t ibang grupo sa naturang lugar kung hindi ang makapaghatid ng saya at ligaya sa residenteng kanilang nasasakupan partikular na sa mga bata.
Hangad ng Pambansang Pulisya ang aktibong partisipasyon ng mamamayan sa mga proyektong kanilang isinasakatuparan para sa pagpapanatili ng magandang ugnayan ng pulisya at komunidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista