Prosperidad, Agusan del Sur – Nasa tinatayang Php150,000 halaga ng magkono chairs ang nasabat sa ikinasang Anti-Illegal Logging Operation ng Prosperidad PNP na nagresulta ng pagkaaresto ng tatlong suspek nito lamang Linggo, Hulyo 31, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Joe-Mark Gacosta, Officer-In-Charge ng Prosperidad Municipal Police Station, ang tatlong suspek na sina Jelyn Dellamas, 34; Nilo Dellamas, 38, pawang mga residente ng P-1, St. Christine, Lianga, Surigao del Sur; at Malvin Espirituso, 40, driver, residente ng P-4, Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.
Ayon kay PLt Gacosta, bandang 12:12 ng hating gabi nang isagawa ang operasyon sa P-1, Awa, Prosperidad kung saan nakumpiska ang apat na pirasong round timber at 28 assembled magkono chairs na tinatayang nagkakahalaga ng Php150,000.
Nahaharap ang tatlong suspek sa paglabag sa PD705 o The Revised Forestry Code of the Philippines.
Ang Prosperidad PNP ay kaisa sa adhikain na pangalagaan ang ating kalikasan.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13