Rotterdam, Netherlands – Nasungkit nang ating pambato mula PRO MIMAROPA Cops ang ilang medalya sa World Police and Fire Games 2022 na ginanap sa Rotterdam, Netherlands nitong Hulyo 22-31, 2022.
Kabilang sa nakilahok ang ating pambato ng Taekwondo na sina Police Corporal Katleen Joy Dilay na nakatalaga sa Regional Logistics and Research Development Division, at Police Corporal Zayra Acosta na nakatalaga naman sa 2nd Provincial Mobile Force Company Police Provincial Office.
Si PCpl Dilay ay nakakuha ng Bronze medal sa Kroyugi over 67kg, Bronze medal sa Poomsae Individual, Bronze Medal din sa Poomsae pairs-Mixed at Gold medal naman sa Poomsae Team, samantala si PCpl Acosta naman ay nakasungkit ng Silver medal sa Kroyugi over 57kg, Silver medal sa Poomsae pairs-Mixed at Gold medal din para sa Team Poomsae.
Ang ating mga atleta ay kasalukuyang nasa Netherlands para sa pagpapahinga at para din sa kanilang paghahanda para makabalik dito sa Pilipinas.
Ang kapulisan ng PRO MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director PBGen Sidney Hernia ay saludo sa inyong kagalingan na ipinamalas sa ibang bansa at inuwing medalya para sa karangalan ng ating lalawigan at ng bansa.
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago