Galimuyod, Ilocos Sur – Namigay ng sariling fresh breastmilk ang Deputy Chief of Police (DCOP) ng Galimuyod Municipal Police Station sa isang premature na sanggol sa Brgy. San Nicolas, Candon, Ilocos Sur nitong Hulyo 31, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng isang bagong panganak na policewoman na si Police Lieutenant Sanshine M Lozano, DCOP ng Galimuyod MPS.
Ayon kay PLt Lozano, lubos na naantig ang kanyang damdamin nang nakita nya ang post ng isang ginang sa facebook kung saan ang kanyang premature na sanggol ay nangangailangan ng breastmilk sapagkat di sapat ang kanyang sariling gatas. Siya ay nahabag sa kalagayan ng sanggol kaya hindi siya nag-atubiling nag-donate ng kanyang sariling fresh breastmilk.
Nakilala ang ina ng sanggol na si Ginang Annalie Lamayo na tubong Brgy. Matue, Del Pilar, Ilocos Sur at kasalukuyang nangungupahan sa Brgy. San Nicolas, Candon, Ilocos Sur.
Ito ay isang patunay na ang PNP ay hindi lamang sa pagsugpo ng krimen maaasahan kundi sa maging sa pagdugtong ng munting buhay kahit sa simpleng paraan lamang.
Source: Galimuyod Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Vanessa Natividad/RPCADU1