Higit kumulang 500 pamilya ang naging benepisyaryo sa isinagawang Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan sa Baggao, Cagayan noong Nobyembre 3, 2021.
Tinatayang aabot sa Php779,000 ang halaga ng food at non-food items ang ipinamahagi sa mga nasabing benepisyaryo.
Nagsagawa ng libreng gupit ang mga kapulisan, medical mission ang Municipal Health Office ng Baggao, at feeding program naman ang My Brother’s Keeper-Life Coaches na pinangunahan ni Pastor Danny Punay.
Bukod pa dito, namahagi rin ng relief packs, hygiene kits, mga gamot at bitamina, mga binhing gulay, at facemasks mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng DSWD, DA, PRO2, 501st Brigade, DOH, at Provincial Government of Cagayan.
Naging kabahagi rin sa programa ang PGC, NICA, DILG, MLGOO, DTI, DAR, DARPO, DOLE, BFAR, at DENR.
Samantala, tampok din sa naturang programa ang pagsunog sa bandila ng mga terorista, pagdeklara ng persona non-grata, at ceremonial signing of commitment bilang simbolo ng kanilang pagkalas sa rebeldeng grupo.
Ibinahagi ni Barangay Captain Mauricio Aguinaldo na dating tagasuporta ng CTG na ang kanyang nasasakupan ay nagpasyang putulin na ang anumang ugnayan nila sa mga CTGs. Mula noon, nag-umpisa ang pagbuhos ng tulong mula sa gobyerno kung saan umabot sa Php20-milyon ang natanggap ng kanilang barangay na ginamit sa pagsasaayos ng kanilang mga daan at patubig.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng nasabing lugar dahil sa patuloy na tulong at suporta ng pamahalaan.
Nangako naman ang PNP at ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na patuloy na magtutulungan upang wakasan ang insurhensiya at terorismo sa buong rehiyon.
#####
Panulat ni: Police Corporal Josephine T Blanche