Tumauini, Isabela – Napasaya ang 100 na Agta sa isinagawang Community Outreach Program ng Tumauini Police Station na ginanap sa Magoli Eco Park Barangay Antagan 1st, Tumauini, Isabela noong ika-30 ng Hulyo 2022.
Ayon kay Police Major Charles B Cariño, Acting Chief of Police ng Tumauini Police Station, ang aktibidad ay tinawag nilang “Kaggawak- Ku, Pagayayya Mu” o “Kaarawan Ko, Kasiyahan Mo” bilang isa sa mga Best Practices ng istasyon.
Dagdag pa niya, layon ng aktibidad na ipagdiwang ang kaarawan ng mga tauhan ng istasyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong at pagpapakain sa mga kababayang kapus-palad na residente ng naturang bayan.
Sa programa ay nagkaroon ng parlor games na nakadagdag saya sa mga batang Aetas, Feeding Program at Libreng Gupit.
Maliban dito ay nagkaroon din ng Adopt-a-Family program na ang bawat pamilyang dumalo ay nakatanggap ng food packs, bagong tsinelas, used clothes at school supplies sa ilalim ng Project AKLAT (Adhikaing gabayan ang mga Kabataan at Linangin ang kanilang kaisipan Tungo sa magandang kinabukasan) at tolda o tent upang magsilbing silong ng mga benipisyaryo.
Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga residente dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanila.
Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa tulong at suporta ng lokal na pamahalaan ng Tumauini, mga stakeholders at aktibong miyembro ng Advisory Support Groups.
Samantala, pinuri naman ni Police Colonel Julio R Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ang Tumauini PS sa kanilang aktibidad dahil sa pagsusumikap nitong pagtibayin ang ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa mas maayos at tahimik na bayan.
Source: Tumauini Police Station
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi