Talon Uno, Las Pinas City ā Patay ang isang notoryus na holdaper nang makipagbarilan sa mga otoridad ng Las Pinas City Police Station nito lamang Linggo, Hulyo 31, 2022.
Kinilala ni PBGen Jimili Macaraeg, District Director ng SPD ang suspek na si Gian Bautista y Mendoza, 37, at naninirahan sa SJDM, Bulacan.
Ayon kay PBGen Macaraeg, ang insidente ay nangyari bandang 12:20 ng tanghali sa harap ng isang fastfood chain na matatagpuan sa Casimiro intersection, Brgy. Talon Uno, Las LiƱas City.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa kahabaan ng Grandeur, Marcos Alvarez Avenue, ang biktima na si Narinder Singh, 37, Indian National ay nag-ulat na siya ay ninakawan ng hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng isang kulay abong ADV na motorsiklo na walang plate number at tumakas patungong Alabang-Zapote Road.
Dagdag pa niya, agarang nagsagawa ng chokepoint ang mga pulis sa harap ng isang fastfood chain na matatagpuan sa panulukan ng Casimiro. Habang naroon, ang suspek ay na-flag down para sa verification gayunpaman, inilabas niya ang kanyang baril at itinutok sa mga pulis ngunit mabilis na umaksyon ang mga pulis at kanilang naunahan ang suspek.
Nakumpiska kay Mendoza ang isang .45 Millennium Taurus pistol na may kargang walong live ammunition, isang gray na Honda ADV w/o plate number, pitong sari-saring cellular phone, belt bag na naglalaman ng gintong kuwintas, singsing, relo, assorted IDs at cash na nagkakahalaga ng Php45,170.
Isinugod sa District Hospital ang naarestong suspek dahil sa mga tama ng bala ng baril ngunit ito ay binawian din ng buhay.
“Binabati ko ang mabilis na aksyon ng ating mga pulis sa Las PiƱas na agad na nakapagsagawa ng chokepoint na nagresulta sa pagkahuli ng suspek. Gayunpaman, ang nangyari sa suspek ay nakapanlulumo subalit hindi natin ito maiiwasan lalo na kung buhay ng ating mga pulis ang nakataya. Kaya naman, palagi kaming humihingi ng kooperasyon sa mga dapat arestuhin upang maiwasan ang mga pangyayaring tulad nito,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos